178 - Akong Napalayo Sa Diyos

Akong napalayo sa Diyos
Ay nagbabalik;
Sa sama'y tumatalikod,
At nagbabalik.

REFRAIN

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib
Sa nagbabalik!

Akong sa sala'y nagtagal,
Mahal kong Ama,
Ngayo'y nagsisising tunay,
Nagbabalik na.

REFRAIN

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib
Sa nagbabalik!

Nililisan ko na ngayon
Ang aking sala,
At sa Iyo, Panginoo'y
Nagbabalik na.

REFRAIN

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib
Sa nagbabalik!

Ang kamatayan ni Kristo'y
S'ya kong pag-asa,
At ngayon sa kandili Mo'y
Nagbabalik na.

REFRAIN

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib
Sa nagbabalik!

Sa dugo Niyang natigis
Dadalhin ko na
Ang kasalanan ko't dungis,
At babalik na.

REFRAIN

Ako'y nagbabalik, di na aalis;
Buksan ang Iyong dibdib
Sa nagbabalik!

0:00 0:00